April 21, 2009
Di ko alam kung paano ko sisimulan ang kwentong to'. Di ko nga akalain na makakagawa ako ng ganito. Ang totoo nga niyan magulo kasi, marami akong gustong ikwento, maraming marami, di ko alam kung magugustuhan ito ng babasa pero trip ko eh, walang basagan ng trip.
----
Kiko ang bigay na pangalan ni nanay sa akin, sabi niya nung panahong pinanganak niya ko sikat daw si Francis M., yung magaling na rapper daw yon sabi ni nanay kaya yun na lang ang ipinangalan niya sa akin. "You know anak I layk you sikat layk da araw in da sky!" si nanay talaga.
Oo nga pala, Ligaya ang pangalan ng nanay ko, o di ba? pangalan pa lang ni nanay alam mo na agad kung anong klaseng tao siya. Mabait ang nanay ko, masipag, maganda, at siyempre katulad ng pangalan niya napaka masayahin ni nanay, nakatawa palagi kahit pang-halloween na ang itsura ng ngipin niya. Sasabihin ng iba di naman kakaiba ang nanay ko, katulad lang din siya ng ibang mga nanay, pero para sa akin kakaiba ang nanay ko.
Wala na daw ang tatay ko, ang sabi ni nanay magaling na piloto daw ang tatay ko, lumipad daw sa kandungan ng ibang babae. Di ko nga maintindihan si nanay eh, sabi kasi ng mga kalaro ko ang piloto daw eroplano ang pinalilipad pero ang sabi ni nanay, ang tatay ko ang lumipad, siguro may pakpak ang tatay ko kaya siya nakalipad.
United Nations naman ang tawag sa aming magkakapatid kasi ang Ate Chik daw ng negosyanteng Instik na inutangan ni nanay pambayad ng ewan ko ba kay nanay, si Ate Rika naman anak daw ng sundalong Amerikano na kumaladkad kay nanay nung minsang pumwesto siya sa may Ermita, at ako anak daw ako ng kusinerong Pinoy na pinagnakawan ni nanay ng kanin dahil sa sobrang gutom. Ang nanay ko talaga, pwedeng bida, kontrabida at comedian pa.
Parang pelikula ang buhay namin, sa musmos kong mga mata nakita ko na lahat ng makamundong bagay na di pa normal sa mga katulad kong bata. Mga bagay na dapat ay natututunan ng isang taong may malawak na pagiisip at hindi isang batang katulad ko na nangangailangan ng gabay mula sa pamilya.

Sa tuwing uuwi ang Ate Rika mistulang eksena sa paboritong teleserye ni nanay ang nakikita ko. Di ko pa nakitang maglakad papasok ng bahay ang Ate, tinatanong mo siguro kung bakit no? Palagi kasi siyang bitbit ni nanay sa buhok at kinakaladkad papasok ng bahay kasabay ng walang kamatayang dialog ni nanay na pang kontrabida "Malandi kang bata ka! Ang landi landi mo! Di ka na natuto!" Ewan ko nga ba kay nanay, meron namang dalawang kamay ang Ate pero sa buhok niya pa hinahawakan pauwe ng bahay, alam din naman ng Ate kung paano umuwe sa bahay namin pero kailangan pa siyang bitbitin ni nanay papasok ng bahay. Nung una naaawa ako kay Ate, para kasing hihiwalay na sa anit yung buhok niya eh! Pero pagtagal nasanay na rin ako, di naman gagawin ni nanay yun kung di kailangan.
Di lang yun, ang Ate Chik naman, di pa umuwi ng bahay yun na may dungis sa katawan, ni isa wala, para bang simula pag-alis niya ng bahay hanggang makauwe eh bagong ligo siya, ni walang bakas ng pawis dahil sa init ng araw o amoy ng usok galing sa mga sasakyan. Ang galing no, sabi niya sa akin pagkatinatanong ko siya kaya daw ayaw niyang madumihan siya para daw tipid, "Kapag malinis ako, di na kailangang gumammit ng sabon sa pagligo tska di na kailangang labhan ng labhan ni nanay yung mga damit ko. Oh di ba Kiko, tipid yun sa atin, tipid sa sabon, tipid sa tubig at di rin madaling masisira ang damit dahil sa madalas na paglaba dito" sabi ni ate sa akin.
Ako? Ako ang istar dito sa amin, palagi akong laman ng mga fiestahan, si nanay kasi, dahil ako lang ang anak niyang lalaki, palagi niya kong sinasale sa mga pa-contest ni Mayor, taon taon ako naman palagi ang nanalo, imbis na pagkain nga ang ilagay ni nanay sa kabinet eh punong puno na yun ng mga trophy at sash. Sabi ko nga kay nanay "baka nagsasawa na ang mga tao sa akin, palagi na alang kasi ako." Ang sagot naman ni nanay sa akin "No anak, its not ar prablem ip yor gwapo en talented! They are jas jelusy of you! Dont worry be happy!" kaya Oo na lang ako kay nanay, malulungkot kasi yun pagka umaya ako.

Habang lumalaki ako, unti-unting nagiba ang pananaw ko sa buhay, sa kung ano ang tunay na ako. Nung bata pa ako, payag ako na isinasali ako ni nanay sa mga ganong pa-contest pero bigla kong naramdaman na di sa mga pang-macho o pang-gwapong contest ako nararapat. Di ko nakikita ang sarili ko na nagsusuot ng trunks habang rumarampa sa bulok na stage habang pinagsisigawan ng mga katagang "Kiko ang gwapo mo! I labyoo!" di sa ganong scenario ko nakikita ang sarili ko.
Nakikita ko ang sarili ko na rumarampa sa stage suot ang magandang magandang swimsuit katulad ng suot ng mga artista habang kumakaway katulad ng idol kong si Gloria Diaz at pinagtitilian ng mga gwapo at makisig na lalaki, nilalagyan ng bonggang bonggang make-up ng mga kilalang make-up artist katulad ni Fanny Serano habang dinadamitan ng mga kilalang fashion designers katulad ni Pitoy Moreno ng mga bonggang bonggang gown, at lalapit ang kumikinang kinang na malaking corona na ipuputong sa akin at nang pulang pulang kapa na ilalagay sa likod ko. Haay kay gand ko siguro pagnagkataon, pero alam kong hanggang panaginip lang yun. Pilit kong itinago sa katauhang macho ang pusong sing lambot ng mamon dahil ayaw kong mabigo si nanay sa mga pangarap niya sa akin.
Sa umaga ako ang matapang, matikas at gwapong si Kiko, pero paglubog ng araw, Ola! Ako na si Kikay, ang bonggang bonggang bakla, sa linguahe ng mga normal at mapanghusgang tao, na rumarampa kasama ng mga matalik at nagagandahan kong amiga si Paulo na Paula sa gabi ay anak ni Kapitan na siga ng barong-barong namin, si Dan na Dany sa gabi ay apo naman ni Aling Etang na may-ari ng tindahang wala namang laman eh ayaw pang isara, at si Carlo na Carla sa gabi ay anak ng ex-convict na si Mang Tonio na nakapatay dati sa probinsya nila.
Araw-araw magkakasama kami, sabay sabay papasok sa eskwela at sabay sabay ding rarampa sa ilalim ng ilaw ng Ermita. Pare-pareho kami ng kailangang gawin, kailangan naming itago ang totoong katauhan namin para di mahusgahan ng iabng tao. Mahirap pero kainlangan, sino ba namang magulang ang may gustong magkaroon ng kakaibang anak, isang bakla na akala nila'y salot sa lipunan.

Dahil nga pinagtakpan namin ang tunay naming katauhan, di ko akalain na si Pamela, klasmeyt ko yun, maganda at matalino, ay tayp pala ako. Biruin mo kinekwento niya sa mga klasmeyt namin "Grabe talaga, ang gwapo gwapo ni Kiko, pagnakikita ko siya nahuhulog yung puso ko sa lupa, pagnaririnig ko yung boses niya para kong lumulutang sa ulap, lalo pagka ngingitian niya ako, para akong hihimatayin sa kilig!" Grabe talaga si Pamela, kung alam lang niya, di kami talo! nakakadiring isiping magkakagusto ako sa kanya, sabi ko pa sa mga amiga ko "over my dead beautiful, gorgeous body!"
Lumipas ang mga taon, walang nagbago ganito pa rin ako, kami, baklang bakla pa rin, sa linguahe ng iba, pero di ko akalaing merong isang pangyayare na nagpabago sa akin.
Highschool na kami noon, bakla pa rin kaming apt na magkakaibigan. Akala ko magbabago na ang nararamdaman ni Pamela sa akin pero hindi, mas minahal pa niya ako.
Tanda ko pa ang ka-kilakilabot na ginawa ko noon, nilapitan ko siya nasa library siya noon lunch break kasi kakausapin ko sana siya na kalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin, "Ela, gusto mo ba talaga ako?" tanong ko sa kanya, nung una di siya agad sumagot nakatititg lang siya sa akin, kung makatitig nga akala ko tutunawin na niya ako. Magkalapit na magkalapit ang mga mukah namin ng mga oras na yun para bang kami lang dalawa ang nasa loob ng library, wala si Ma'm Lily na ubod ng sunget na kahit pag-ubo ay naririnig niya, wala rin ang bookworm na si Gilbert na kulang na lang sa loob ng library na tumira, ang magsyotang si Trina at Ferdie na nakakasuka na sa sobrang ka-sweetan.
Balik na nga tayo dun sa kinekwento ko, magkalapit na magkalapit ang mga mukah namin ng mga oras na yun para bang kami lang dalawa ang nasa loob ng library. Dahil sa sobrang dikit ng mga mukah namin, di ko maintindihan pero di ko maiwasang titigan ang mga bilugan niyang mata, ang hugis ng mukah niyang parang mamon, ang tangos ng ilong niya, ang buhok niyang sing itim ng crayons at sing pula ng mansanas sa tindahan ng titser naming si Ma'm An. Biglang tumunog ang bell at tauhan ako.
Lumabas na kami ng library at nilapitan ako ng mga kaibigan lutang pa rin ang utak ko "Ki, mukang tinamaanka na ng bruhang yun uh?" sabi ni Dan sa akin. "Ano? Nasabi mo bang we're sisters?!" sabi naman ni Carlo. Di ko alam kung bakit di ko naririrnig ang mga sinasabi nila ng mga oras na yun. "Sisters! Mukang naging lalaki na si Kiko!" sabi naman ni Paulo.
Naglalakad na ako noon pauwi bitbit ang sandamakmak na libro na kailangan kong basahin para sa exams ng di ko sinasadyang magkasabay kami ni Pamela na katulad ko may dala ring sandamakmak na libro para pagaralan din, di ko alam kung inantay niya talaga ako o nagkataon lang talaga. "Kiko!" sigaw ni Pamela sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi sabayan na siya pauwi.
Tahimik kaming naglalakad sa tabi ng Baywalk, tunog lang ng busina ng sasakyan ang ingay na naririnig ko. Di ko alam kung dapat ko siyang kausapin ng bigla siyang magsalita "Kiko, ayaw mo ba sa akin?" di ako nakasagot sa tanong niya, "Ayos lang naman kung ayaw mo sa akin, di naman kita pipilitin." dagdag pa niya. "Di naman sa ayaw ko sa iyo, maganda ka, matalino, mabait, wala ng nga sigurong mahihiling pa ang kahit sinong lalaking magugustuhan mo, kaya lang..." di ko masabi sa kanya ang totoo. Di siya sumagot at ngumiti lang siya sa akin. Patuloy kaming naglakad at dinala niya ko sa isang kakaibang lugar, matagal na ko sa Maynila pero noon ko lang nakita yon.
Tinuro niya sa akin ang isang malaking pader na puno ng sulat. "Diyan ko sinusulat lahat ng gusto kong sabihin sayo Kiko, yung mga maliliit na bagay na ginagawa mo para sa akin na di mo alam napapasaya na ko ng lubos eh nilalagay ko dito." Sabi niya sa akin. Di ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya, ng mga oras na yun ramdam ko kung gaano niya ko kamahal, isang pagmamahal na di ko alam kung kaya kong tumbasan. Di ako nagsalita at tinignan ko lang lahat ng nakasulat sa malaking pader habang siya naman nakaupo sa tabi ko, tahimik at walang kibo pero nakangiti. Di ko naiwasang tignan siya, "lalaki na nga ata ako" bulong ko sa isip ko.
Hinatid ko siya pauwi sa bahay nila na dalawang bahay lang pala ang pagitan mula sa bahay namin. "Salamat Kiko!" sabi niya sa akin, "Sige, bukas ulit, saby na tayo pumasok, ayos lang ba?" na sa di ko malamang dahilan ay nasabi ko sa kanya.
Araw-araw ganon na ang palagi kong ginagawa, sabay kaming papasok sa eskwela, sabay rin kaming uuwi galing eskwela, kung minsan kakain pa kami ng kwek-kwek sa kanto, pag wala namang pasok pumunta ako sa bahay nila at sabay kaming nag-aaral. Napadalas ang pagsasama naming dalawa kaya kinausap ako ng mga kaibigan ko. "Kiko? Gusto mo na siya no?" tanong nila sa akin, di ako sumagot sa takot na baka magalit sila sa akin dahil alam ko sa sarili kong di ko lang gusto si Pamela, mahal ko na siya, mahal na. "Ayos lang naman Kiko, magkakaibigan pa rin naman tayo kahit anong mangyari?" sabi pa nila. Kaya umamin na ako, at laking tuwa ko na sila rin pala, nagconvert na, bumalik na ulit sa pagiging lalaki. Kaya masayang masaya akong umuwi ng bahay.
Kinabukasan, ganoon pa rin, sabay kami ni Pamela kaya lang may iba, di siya naka-ngiti, walang kibo kaya nagtaka ako kung bakit. Di siya sumagot hanggang sa makarating kami don sa paborito naming lugar, sa may malaking pader. Akala ko pagdating naming doon, sasabihin na niya sa akin kung naong problema, kung meron ga, pero di siya kumibo imbis, kumuha siya ng pentel pen sa bag niya at sumulat sa pader "Kilala ba talaga kita Kiko?" sinulat niya. Naramdaman ko na kung anong gusto niyang ipahiwatig sa akin, nalaman na siguro niya ang nakaraan ko. "Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya at sumagot siya "Totoo ba Kiko?" tanong niya habang namumuo ang mga luha sa mata niya habang sinasabi "Bakit di mo sinasabi sa akin?" "Nabawasan ba ang pagmamahal mo sa akin? Nakaraan ko na yun, di na mahalaga yun, di na mahalaga yun, ang mahalaga ang ngayon, ikaw at ako, tayo." sagot ko sa kanya. "Sorry Kiko, tanggap ko kahit ano pang nakaraan mo, kahit ano ka pa dati, di na yun importante, ikaw at ako, tayo lang" pinunasan ko ang luha sa magaganda niyang mata "Wag ka ng mag-alala, mahal na mahal kita, mahal na mahal". Habang palubog na ang araw, sabay kaming naglalakad magkahawak ang kamay.
Totoo nga, hindi lahat ng magandang kwento sa simula pa lamang ay maganda na. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang kwento kong ito, ni wala akong maibigay na aral sa pagtapos ko ng kwentong ito. Nabuo lang kasi ang kwentong to' dahil trip kong magkwento, bakit ba, kanya kanyang trip lang yan, walang basagan ng trip.

Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay naming araw, ang araw ng pagtatapos. Malungkot at masaya ang pakiramdam, masaya kasi tapos na lahat ng paghihirap pero malungkot dahil bukod sa magkakahiwahiwalay na kami di ko pa alam kung makakapgkolehiyo ako.
Umaga palang umuusok na ang bahay namin dahil sa dami ng niluluto ni nanay, nagluto ng pancit na wala namang sahog kundi gulay at bilang na bialng na karne at atay, ang mga ate ko naman abalang abala sa pagunat ng buhok nilang naninigas na sa sobrang init ng plantsang hiniram nila sa parlor sa kanto. Pagbangon ko, bigla kong naisip "Oo nga tapos na ang highschool pero paano na ako sa kolehiyo?" bulong ko sa isip ko. Napansin ni nanay na di ako mapakali at malalim ang iniisip kaya nilapitan niya ako at kinausap "Kiko anak, anong problema? Wag kang mag-alala anak iraraos kita sa kolehiyo, proud na proud kami sayo" tuwang tuwa ako ng marinig ko kay nanay yun. Naiyak ako sa sobrang tuwa, kahit papano napaligaya ko si nanay kahit sinaktan siya ng tatay ko.

Ang pinakahihintay ng lahat, graduation na, napakaraming tao sa plaza bitbit ang mga toga at ang mga humahalimuyak na sampaguita, kanya kanyang kislap ng mga camera at di magkamayaw sa pagtawag ng mga kaibigan para magpiktyur-piktyur.
Pinagmasdan ko ang lahat, ang mga kaklase kong di mo akalaing gagraduate kahit mga bulakbol at sira ulo, ang mga kaklase kong wala namang ginawa kundi isubsob ang sarili sa libro, ang mga kaklase kong ginawang parke ang loob ng classroom.
Si Paul na takot na takot pang pumasok sa eskwela sa pag-iisip na palaging nakabantay sa kanya ang tatay niyang si Kapitan ngayon ni hindi na mapigilan ng tatay niya, si Dan naman na dati'y ayaw pang bumitaw sa saya ni Aling Etang at walang ginawa sa klase kundi umiyak eh ngayon mamang mama na at si Carlo na ayaw mag-aral dahil sa hiya sa ginawang kasalanan ng tatay niya na ngayon ay buong galak nang ipinagmamalaki sa lahat ang tatay niya. Si Ma'm Lily na sa unang pagkakataon ay hindi nakakunot ang noo at nakangiti sa aming lahat na magsisipagtapos, si Gilbert naman ayun bookworm pa rin at ang magsyotang Trina at Ferdie nakakasuka pa rin ang ka-sweetan.
Ako ang naging class valedictorian namin at si Pamela ang salutatorian, tuwang tua ang lahat ng mga magulang dahil sa wakas naka-graduate na kaming lahat, ang mga dati'y walang patutunguhan nagyon naka-toga na at hawak ang diploma, ang katas ng paghihirap.
Pinagmasdan ko ang lahat, ang mga kaklase kong di mo akalaing gagraduate kahit mga bulakbol at sira ulo, ang mga kaklase kong wala namang ginawa kundi isubsob ang sarili sa libro, ang mga kaklase kong ginawang parke ang loob ng classroom.
Si Paul na takot na takot pang pumasok sa eskwela sa pag-iisip na palaging nakabantay sa kanya ang tatay niyang si Kapitan ngayon ni hindi na mapigilan ng tatay niya, si Dan naman na dati'y ayaw pang bumitaw sa saya ni Aling Etang at walang ginawa sa klase kundi umiyak eh ngayon mamang mama na at si Carlo na ayaw mag-aral dahil sa hiya sa ginawang kasalanan ng tatay niya na ngayon ay buong galak nang ipinagmamalaki sa lahat ang tatay niya. Si Ma'm Lily na sa unang pagkakataon ay hindi nakakunot ang noo at nakangiti sa aming lahat na magsisipagtapos, si Gilbert naman ayun bookworm pa rin at ang magsyotang Trina at Ferdie nakakasuka pa rin ang ka-sweetan.
Ako ang naging class valedictorian namin at si Pamela ang salutatorian, tuwang tua ang lahat ng mga magulang dahil sa wakas naka-graduate na kaming lahat, ang mga dati'y walang patutunguhan nagyon naka-toga na at hawak ang diploma, ang katas ng paghihirap.
Totoo nga, hindi lahat ng magandang kwento sa simula pa lamang ay maganda na. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang kwento kong ito, ni wala akong maibigay na aral sa pagtapos ko ng kwentong ito. Nabuo lang kasi ang kwentong to' dahil trip kong magkwento, bakit ba, kanya kanyang trip lang yan, walang basagan ng trip.
No comments:
Post a Comment