June 09, 2010
Litrato ito sa plaza sa tapat ng Binondo Church. Kinunan ko ito kanina lamang (june 09, 2010). Nakasakay ako sa jeep at natraffic sa tapat nila. Dahan dahan kong inilabas ang cellphone ko para kunan sila ng litrato.
Walang edit ang litratong ito. Totoong totoo. Bakit ko kinunan? Marahil di malinaw sa litratong ito kung ano ang nangyayari pero sa totoo, magkakapatid ang mga batang yan. Andami no? At halos lahat sila magkakasinglaki. Di halata kung sino ang mas matanda at sino ang mas bata.
Marumi, Oo maruming marumi sila. Bakas sa mukah ng bawat isa sa kanila ang kasiyahan sa isang bagay na sa una di ko makita mula sa kinauupuan ko. "Isang basong McDo Coke Float" pala yun. Isang basong naging dahilan ng ngiti sa mga mukah nila. Kung tutuusin di naman sapat para sa kanilang lahat ang kakaunting tira sa baso na may malamig na yelo, pero ang mga ngiti sa mukah nila, ani mo'y maraming maraming pagkain para sa bawat isa sa kanila.
Sinong magaakala na dinami-dami ng nakikita kong ganitong tagpo sa daan, nagkaroon ako ng lakas loob na imulat ang mata ko sa nakita ko.
Di dapat nasa plaza ang mga batang ito, di dapat sila nagaagawan sa tirang pagakain, di dapat sira-sira ang mga damit nila, di dapat mapapayat at marurumi ang mga batang ito. Oo, musmos sila at maaring di pa lubusang naiintindihan kung ano ang nangyayari sa palagid nila, pero tingin ko, di pa rin tama ang diraranas nila.
No comments:
Post a Comment