Showing posts with label short stories. Show all posts
Showing posts with label short stories. Show all posts

Thursday, April 21, 2011

Baranggay Bukong-bukong “PISBOL”

January 20, 2008 [an entry for the Marian Pages] this made me the Staffer of the Year.

Baranggay Bukong-bukong



“PISBOL”




Sa Baranggay Bukong-bukong, madalas akong makikitang nakaupo sa loob ng tindahan, pinapanood ang mga taong pabalik balik, mga batang nagtatakbuhan, dala ang garter at pepwesto na sa harap nitong bakery. 



Marami ng tao sa daan, hapon na kasi. Palabas na sila kagawad na may dalang bangko, at ayan na si kapitan parating na akala mo’y maghahamon ng away.

Sa araw-araw na lang na pag-upo ko ditto sa tindahan, parehong tagpo ang nakikita ko mula dito. 


Sa kasarapan ng pagmamasid ko, biglang sumigaw si Aleng Etang dala ang walis saba’y bugaw sa mga batang naglalaro sa harap ng kanyang bahay. Nagtakbuhan silang lahat, bitbit ang kani-kanilang tsinelas wari mo’y may pulis na paparating sa sobrang takot na baka abutan sila ng walis ni Aleng Etang. 


Maya maya, may nakita akong paparating, lumabas na ang mga tao sa kani-kanilang bahay at huminto na nga ito sa harap nitong bakery. Ang paborito naming tambayan ng “prinsesa” ko, ang pisbolan ni Manong. 
Marami ding bumibili doon kasi bukod sa masarap, mura pa! 


Araw-araw tinatanaw ko siya mula dito sa loob ng tindahan, siguro itatanong ninyo kung sino, sino pa edi ang pinakamamahal kong prinsesa, tinatanaw hanggang sa dumating na siya.

“Antagal niyang dumating”, naibulong ko sa isip ko. 

Nagugutom na ako ng mga oras na iyon pero hinintay ko pa rin siya.  Nilibang ko ang sarili ko sa kapapanood sa mga tao sa daan nang biglang may narinig akong boses, “Manong! Para! Para! Dyan lang sa tabi! Dali!” sigaw mula sa sidecar sa may kanto. 

Napalabas ako ng tindahan at tinignan kung sino iyon, bigla siyang bumaba at sa pagmamadali ay nakalimutan na ang bayad. 


Bigla akong kinabahan ng makita siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dumeretso na siya kaagad sa pisbolan at nahawi ang mga tao na akala mo ay kung sinong siga ng baranggay ang dumating. 


Nang makita ko siya, nagaalangan akong pumunta pero dala na rin siguro ng matinding gutom ay lumabas na ako. 



Ngayon, nandito na kaming dalawa, ewan ko ba, kahit maraming tao dito ay kabadong-kabado pa rin ako, pakiramdam ko’y lulubog ako sa kinatatayuan ko, sa tuwing maririnig kon ang boses niyang patuloy na humuhingi kay Manong ng pisbol, lalo akong kinakabahan. 


Oo nga pala, hindi ko pa naipapakilala ang prinsesa ko sa inyo. Sid ang tawag ng lahat sa kanya dito. Palagi siyang nakaputi, siyempre narsing student nga naman siya, maganda siya pero hindi maarte, simple at mabait, yan ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siya. Halos kaibigan niyang lahat ng taga dito, palakaibigan kasi siya at hindi naninira o nanghuhusga ng ibang tao. 


Bata pa lang kilala ko na siya, halos sabay na rin kaming lumaki, pero ni minsan hindi ko nagawang makipaglaro sa kanya. Madalas nakadungaw lang ako mula sa aming bahay sa kanya na nasa kalsada na nakikipag habulan. Madalas nga siyang umuuwiing madumi at puro sugat ang tuhod. Pero ni-minsan hindi ko siya nakitang umiyak. 



Mag-iisang oras na rin pala kami dito, dumidilim na at paubos na ang tinda ni Manong, gusto ko na sanang umalis pero hindi ko siya maiwan. 


Tumagal pa at dumungaw na si Mang Domeng mula sa bakery na nakatingin sa akin na nagsasabing bumalik na ako sa tindahan. 


Maya maya, biglang sumigaw si Aleng Onang, ”Isidra!! Nakatambay ka nanaman dyan! Umuwi ka na’t mag-aral ka!!” 


Naisip ko, ”Sino kaya si Isidra?” bigla akong natawa at naibulong ko, ”Ang Sid ay shortcut ng pangalan niyang Isidra!”. Sa pag-iisip ko, hindi ko na namalayang na umalis na siya.


Pag-uwi ko sa bahay, umupo ako sa bintana, sa bintanang katapat ng bintana sa kwarto niya, nagbakasakaling dudungaw siya at makikita ko ang maganda niyang mukha. 


Pero gumagabi na, wala pa rin siya, kaya naisipan ko ng isara ang bintana at magpahinga na nang bigla siyang dumungaw at sinabi, ”Tisoy! Patulong naman sa assignments ko, pls?!” 

Sinabi niya yun sa akin! Sinabi yun ng pinakamamahal kong prinsesa! Tuwang tuwa ako kaya hindi ko na nagawang sumagot. 

"Hoy! Tisoy! Ano pwede ba? Dali punta ka na dito samen!” Tumango na lang ako at dali-daling pumunta sa kanila. 



Tandang tanda ko pa, mag-aalas nuebe na ng gabi noon, pinuntahan ko siya sa kanila kahit pagod at inaantok na ako. 
Mahigit isang oras din kaming magkasama, kitang kita ko ang mga mata niyang parang bituin sa langit ang kinang, ang mga labi niyang sing pula ng apple, ang pisngi niyang sing bilog ng monay na tinda ko sa bakery kaya hanggang pag-uwi ko siya pa rin ang nasa isip ko. 

"Mas maganda pala siya kapag malapitan.” Bulong ko sa sarili ko, hanggang sa makatulog akong siya ang nasa isip ko. 



Kinabukasan, sarap na sarap ako sa pagtulog ko nang biglang may bumato ng pandesal sa akin mula sa ibaba, nagising ako at galit na lumabas sa balkonahe at sumigaw. 
 ”Sino yun?!” 
lumingon ako sa buong baranggay hinahanap kung sino ang nangistorbo ng masarap kong tulog. 


Pumasok ako sa loob nang bigla kong narinig ang boses na pangisi-ngisi na tawa galing sa baba, sinilip ko, at nakita kong si Sid pala yun! Biglang nawala ang galit ko at dali daling bumaba. Tuwang tuwa ako ng umangang yun, hiniling kong sana’y di na matapos ang oras na yun. 



Araw-araw kaming nagkikita sa pisbolan, pagkatapos sa pisbolan diretso sa bahay nila at tinuturuan ko siya sa mga assignment niya. Naging tutor na niya ako. 


Kapag wala naman siyang pasok ay nanonood kami ng DVD dito sa bahay namin. Tanda ko pa, paulit-ulit naming pinapanood yung You are the One, halos sumuko na nga yung DVD player ko at DVD sa ka-uulit niya, gwapo daw kasi yung artista, eh mas gwapo naman ako dun! 


Naalala ko pa nung may pinanood kaming nakaktawang movie, natawa ako hindi dahil sa movie kundi dahil sa kanya, nakakatawa kasi siyang tumawa! Kung tumawa kasi siya para bang wala ng bukas. 


Dahil dito naging close kaming dalawa, madalas kaming namamasyal sa Luneta, kilala na nga kami ni Manong Sorbetero e! Pano si Sid palaging gustong bumili doon. Lahat na yata ng flavor ng ice cream ni Manong eh natikaman na namin! 

Nung minsan ay dinala niya ako sa Baywalk, napaka daming tao, madaming tindahan. 
Simula noon, madalas ko na siyang niyayayang manood ng sunset. Napanood ko kasi sa movie yun kaya ginaya ko. 

Napakaraming alam puntahan ni Sid pati tuloy ako nadadamay sa mga gala niya.

Nandoon ako sa lahat ng importanteng araw sa buhay niya, nung birthday niya at siyempre nung graduation niya. 



Hindi ko naisip na ang simpleng pagdungaw ko sa aking bintana ang magiging daan para maging tunay na prinsesa na siya ng buhay ko. 


Tanda ko pa, nakasakay kami sa LRT, siksikan pa nga noon, uwian na rin kasi. Sa sobrang siksikan ay napayakap siya sa akin. 

Nang bumaba na kami ng LRT, sa gitna ng maraming tao bigla ko siyang tinanong, ”Sid! Pwede bang maging prinsesa ka na ng buhay ko?” Pero hindi siya sumagot, nahiya ako dahil napakaraming tao ang nandoon, sumigaw ako ulit, ”Sid! Ano ba?”. 

Hindi pa rin sumagot si Sid, tuloy pa rin siya sa paglakad, nakatingin na lahat ng tao sa akin, hiyang hiya man ako, sumigaw ulit ako sa kanya, ”Isidra!! Mahal na mahal kita!”. 

”Hindi ako bingge! Oo naririnig kita!” pasigaw niyang sinabi sa akin.

Tinanong ko ulit siya at laking gulat ko sa isinagot niya, ”Oo Tisoy! Mahal na mahal din kita! Kahit korny yung mga jokes mo! Kahit baduy ka! Kahit buong buhay ko pisbol lang ang kaninin natin! Basta kasama kita. Ayos na.”

Hindi ko alam kung paano ko isisigaw sa buong mundo kung gaano ako kasaya. Natulala ako at natigilan, hanggang sa biglang nagpalakpakan ang lahat ng tao sa LRT, noon ko lang naintindihan na sinagot na nga pala ako ni Sid! Tuwang tuwa ako na halos lahat ng taong makasalubong namin ay binabati ko. 



Simula  ng  araw na yun, naging napakasaya ng buhay ko. Ang dating buhay ng isang ordinaryong panaderong tulad ko ay naging napaka saya nang dumating siya. Hindi ako makapaniwalang minahal niya ang tulad ko. 



5 taon din simula noong araw na sinagot niya ako sa gitna ng LRT, saksi ang lahat ng taga dito sa baranggay sa naranasan naming kaligayahan ni Sid. Napakasaya talaga namin kaya inakala kong hindi na matatapos ang kaligayahang iyon. Nang isang araw, dumating na ang kinatatakutan ko. 



Nakaupo kaming dalawa noon sa terrasa ng bahay nila nang may dumating na sulat para kay Sid, galing ang sulat sa Canada. Nang makita ko ang sulat, kinabahan akong bigla. 


Ang sulat ay nagsasabing natanggap na siya sa inaaplyan niyang trabaho doon sa Canada bilang isang head nurse sa isang private hospital sa Ontario. 


Nalungkot ako ng malaman ko iyon, pero hindi ko pinakita yun kay Sid dahil alam kong pangaray niya yun at hindi ko dapat siya pigilan. 


Gusto ni Sid na pigilan ko siya, pero hindi ko magawa, naduwag ako. ”Tisoy, ayos lang ba sayo kung pupunta ako doon? Sabihin mo lang na ayaw mo at hindi ako tutuloy.” Tanong niya sa akin, pero hindi ako sumagot kaya napilitan siyang umalis at iwan ako. 



3 taon na din kaming walang komunikasyon, nung una iniisip kong marami siguro siyang ginagawa. 

Kapag tumatawag siya minsan ni-kamusta man lang sa akin ay hindi niya nasasabi. Kapag sumusulat naman ako sa kanya ay hindi siya sumasagot. Hanggang sa tulutan nang nawala ang komunikasyon naming dalawa. 




———– oo 



Pagkatapos ng 4 na taon, nagkaroon ako ng pagkakataong bumalik sa Pilipinas. Pag dating ko sa airport wala sinuman ang sumalubong sa akin. 

Pagdating ko sa Baranggay Bukong-bukong ay sinalubong ako ng mga kapit bahay namin. 

Ganon pa rin tulad ng dati, may mga batang naglalaro, at yung mga dating batang patakbo-takbo ay malalakin na ngayon, nandoon pa rin sila kapitan pero hindi na siya ang kapitan, buhay pa rin ang bakery ni Mang Domeng, iba nga lang ang itsura nito ngayon. 


Lumingon ako sa buong paligid, tingin ko’y walang nagbago, pero marami pala.


May isang tao akong gustong makita pero wala siya. 



Nilibot ko ang Luneta, ganoon pa rin tulad ng dati, marami pa ring tao. Pakiramdam ko kahit saan man ako lumingon, alaala naming dalawa ang nakikita ko. 

Nagtanong pa nga ako sa sorbetero sa pagaakalang iyon pa rin si Manong sorbetero dati. Nagpunta sa Baywalk at hinintay ang paglubog ng araw sa pag-asang baka darating siya doon. Maghapon akong naglakad at hinanap siya. 
Pagsakay ko sa LRT, siksikan pa rin, mas marami nga lang ang tao ngayon kaysa dati. Habang naglalakad ako, naiisip ko yung panahong sinagot ko siya. Hindi ko siya nakita kaya bumalik na lang ako sa bahay. 



Sa paglalakad lumingon ako, at napaupo na lamang sa gilid at bigla kong napansin ang pisbolan. Naisipan kong bumili at kumain, habang kumakain napatingin ako sa bakery at naalala ko siya. Hinintay ko siya baka sakaling lumabas siya at samahan akong kumain ng pabotio naming pisbol. 



Gabi na pero wala ni-anino niya, umalis na si Manong at naiwan ako sa kalsada. Biglang nawala ang lahat ng tao sa kalsada. Lalo akong nalungkot dahil hindi ko alam kung nasaan siya. 



Umuwi ako at naupo sa bintanang katapat ng bintana sa kwarto niya, hinintay ko siyang dumungaw, pero gumagabi na, wala pa rin siya, kaya naisipan ko ng isara ang bintana ko at magpahinga na nang biglang may lumipad na papel sa akin galing sa kanyang bintana. 


Naiyak ako ng mabasa ang nakasulat,

"Sid, akala ko hindi na matatapos ang kung ano mang meron tayo dati. Nagkamali ako, hinintay kita nang matagal pero antagal mo ring dumting. Sana naging masaya ka sa mga panahong nagkasama tayo. Ako, naging napakasaya ko, hinding hindi ko makakalimutan lahat, na minsan sa buhay ng isang panaderong tulad ko, may dumating na isang prinsesa na minahal at pinahalagahan ako. Mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal kita. –Tisoy” 



Galing sa kanya ang sulat na lumipad sa akin, hinanap ko kung nadoon siya sa kabilang bintana, mabali-bali na ang leeg ko sa ka dudungaw, halos mahulog hulog na ako sa bintana pero wala siya. 



Lumipas ang mga araw, akala ko’y darating siya. Gabi-gabi ko siyang hinihintay na dudungaw at kakausapin ako., pero wala siya. 


Tuwing umaga, binabato ko ng dalawang tinapay ang kwarto niya, pero wala kahit anong boses akong naririnig, dumadaan ako sa bakery pero wala rin siya. 


Wala ng naiwan kundi ang pisbolan ni Manong sa tapat ng bakery. Hinihintay ko siya, pero wala. Umiyak ako at napa-isip na lang. 




Lumipas ang maraming araw, nabuhay ako ng wala si Tisoy. 
Pa-minsan minsan hinahanap hanap ko  pa rin siya at hinihiling na bumalik na lang ang lahat sa dati. 
Tuwing pupunta ako sa mga lugar kung saan kami palaging magkasama, nalulungkot at natutuwa ako. 
Madalas akong nagsusulat at ibinabato ito sa kwarto niya kahit ni-minsan hindi ako nakatanggap ng sagot.  
Madalas ko pa ring pinapanood yung favorite naming You are the One. 
Bumilbili pa rin ng ice cream at pinapanood mag-isa ang paglubog nga araw. 



Ganito na ang buhay ko  at natuto akong tanggapin ito. 
Alam ko kung nasaan man si Tisoy, masaya siya dahil mahal na mahal ko rin siya kahit wala na siya sa tabi ko. 



Sa pagkawala ni Tisoy, naisip ko, na hindi dapat bitawan ang isang taong minsan lang dumating sa buhay mo, mga taong hindi lahat ay nakakatagpo,   

"dahil ang pag-ibig ay parang pisbol, hindi pwedeng bigla mong kainin kapag mainit dahil mapapaso ka, kaya dapat dahan dahan, kailangang isawsaw sa sauce para magkaroon ng lasa, kapag nasobrahan hindi na masarap kaya dapat tamang tama lang.  Kapag busog na dapat ng tumigil, hindi porket mura pwede ng abusuhin sa pagbili, dapat pahalagahan dahil tulad ng pisbol, kapag hindi mo kinain masisira. Parang ang pag-ibig, kapag hindi inalagaan masisira at mawawala."

Still Untitled.

April 21, 2009


Di ko alam kung paano ko sisimulan ang kwentong to'. Di ko nga akalain na makakagawa ako ng ganito. Ang totoo nga niyan magulo kasi, marami akong gustong ikwento, maraming marami, di ko alam kung magugustuhan ito ng babasa pero trip ko eh, walang basagan ng trip.
----

Kiko ang bigay na pangalan ni nanay sa akin, sabi niya nung panahong pinanganak niya ko sikat daw si Francis M., yung magaling na rapper daw yon sabi ni nanay kaya yun na lang ang ipinangalan niya sa akin. "You know anak I layk you sikat layk da araw in da sky!" si nanay talaga.

Oo nga pala, Ligaya ang pangalan ng nanay ko, o di ba? pangalan pa lang ni nanay alam mo na agad kung anong klaseng tao siya. Mabait ang nanay ko, masipag, maganda, at siyempre katulad ng pangalan niya napaka masayahin ni nanay, nakatawa palagi kahit pang-halloween na ang itsura ng ngipin niya. Sasabihin ng iba di naman kakaiba ang nanay ko, katulad lang din siya ng ibang mga nanay, pero para sa akin kakaiba ang nanay ko.

Wala na daw ang tatay ko, ang sabi ni nanay magaling na piloto daw ang tatay ko, lumipad daw sa kandungan ng ibang babae. Di ko nga maintindihan si nanay eh, sabi kasi ng mga kalaro ko ang piloto daw eroplano ang pinalilipad pero ang sabi ni nanay, ang tatay ko ang lumipad, siguro may pakpak ang tatay ko kaya siya nakalipad.

United Nations naman ang tawag sa aming magkakapatid kasi ang Ate Chik daw ng negosyanteng Instik na inutangan ni nanay pambayad ng ewan ko ba kay nanay, si Ate Rika naman anak daw ng sundalong Amerikano na kumaladkad kay nanay nung minsang pumwesto siya sa may Ermita, at ako anak daw ako ng kusinerong Pinoy na pinagnakawan ni nanay ng kanin dahil sa sobrang gutom. Ang nanay ko talaga, pwedeng bida, kontrabida at comedian pa.

Parang pelikula ang buhay namin, sa musmos kong mga mata nakita ko na lahat ng makamundong bagay na di pa normal sa mga katulad kong bata. Mga bagay na dapat ay natututunan ng isang taong may malawak na pagiisip at hindi isang batang katulad ko na nangangailangan ng gabay mula sa pamilya.
----

Sa tuwing uuwi ang Ate Rika mistulang eksena sa paboritong teleserye ni nanay ang nakikita ko. Di ko pa nakitang maglakad papasok ng bahay ang Ate, tinatanong mo siguro kung bakit no? Palagi kasi siyang bitbit ni nanay sa buhok at kinakaladkad papasok ng bahay kasabay ng walang kamatayang dialog ni nanay na pang kontrabida "Malandi kang bata ka! Ang landi landi mo! Di ka na natuto!" Ewan ko nga ba kay nanay, meron namang dalawang kamay ang Ate pero sa buhok niya pa hinahawakan pauwe ng bahay, alam din naman ng Ate kung paano umuwe sa bahay namin pero kailangan pa siyang bitbitin ni nanay papasok ng bahay. Nung una naaawa ako kay Ate, para kasing hihiwalay na sa anit yung buhok niya eh! Pero pagtagal nasanay na rin ako, di naman gagawin ni nanay yun kung di kailangan.

Di lang yun, ang Ate Chik naman, di pa umuwi ng bahay yun na may dungis sa katawan, ni isa wala, para bang simula pag-alis niya ng bahay hanggang makauwe eh bagong ligo siya, ni walang bakas ng pawis dahil sa init ng araw o amoy ng usok galing sa mga sasakyan. Ang galing no,  sabi niya sa akin pagkatinatanong ko siya kaya daw ayaw niyang madumihan siya para daw tipid, "Kapag malinis ako, di na kailangang gumammit ng sabon sa pagligo tska di na kailangang labhan ng labhan ni nanay yung mga damit ko. Oh di ba Kiko, tipid yun sa atin, tipid sa sabon, tipid sa tubig at di rin madaling masisira ang damit dahil sa madalas na paglaba dito" sabi ni ate sa akin.

Ako? Ako ang istar dito sa amin, palagi akong laman ng mga fiestahan, si nanay kasi, dahil ako lang ang anak niyang lalaki, palagi niya kong sinasale sa mga pa-contest ni Mayor, taon taon ako naman palagi ang nanalo, imbis na pagkain nga ang ilagay ni nanay sa kabinet eh punong puno na yun ng mga trophy at sash. Sabi ko nga kay nanay "baka nagsasawa na ang mga tao sa akin, palagi na alang kasi ako." Ang sagot naman ni nanay sa akin "No anak, its not ar prablem ip yor gwapo en talented! They are jas jelusy of you! Dont worry be happy!" kaya Oo na lang ako kay nanay, malulungkot kasi yun pagka umaya ako.
----
Habang lumalaki ako, unti-unting nagiba ang pananaw ko sa buhay, sa kung ano ang tunay na ako. Nung bata pa ako, payag ako na isinasali ako ni nanay sa mga ganong pa-contest pero bigla kong naramdaman na di sa mga pang-macho o pang-gwapong contest ako nararapat. Di ko nakikita ang sarili ko na nagsusuot ng trunks habang rumarampa sa bulok na stage habang pinagsisigawan ng mga katagang "Kiko ang gwapo mo! I labyoo!" di sa ganong scenario ko nakikita ang sarili ko.

Nakikita ko ang sarili ko na rumarampa sa stage suot ang magandang magandang swimsuit katulad ng suot ng mga artista habang kumakaway katulad ng idol kong si Gloria Diaz at pinagtitilian ng mga gwapo at makisig na lalaki, nilalagyan ng bonggang bonggang make-up ng mga kilalang make-up artist katulad ni Fanny Serano habang dinadamitan ng mga kilalang fashion designers katulad ni Pitoy Moreno ng mga bonggang  bonggang gown, at lalapit ang kumikinang kinang na malaking corona na ipuputong sa akin at nang pulang pulang kapa na ilalagay sa likod ko. Haay kay gand ko siguro pagnagkataon, pero alam kong hanggang panaginip lang yun. Pilit kong itinago sa katauhang macho ang pusong sing lambot ng mamon dahil ayaw kong mabigo si nanay sa mga pangarap niya sa akin.

Sa umaga ako ang matapang, matikas at gwapong si Kiko, pero paglubog ng araw, Ola! Ako na si Kikay, ang bonggang bonggang bakla, sa linguahe ng mga normal at mapanghusgang tao, na rumarampa kasama ng mga matalik at nagagandahan kong amiga si Paulo na Paula sa gabi ay anak ni Kapitan na siga ng barong-barong namin, si Dan na Dany sa gabi ay apo naman ni Aling Etang na may-ari ng tindahang wala namang laman eh ayaw pang isara, at si Carlo na Carla sa gabi ay anak ng ex-convict na si Mang Tonio na nakapatay dati sa probinsya nila.

Araw-araw magkakasama kami, sabay sabay papasok sa eskwela at sabay sabay ding rarampa sa ilalim ng ilaw ng Ermita. Pare-pareho kami ng kailangang gawin, kailangan naming itago ang totoong katauhan namin para di mahusgahan ng iabng tao. Mahirap pero kainlangan, sino ba namang magulang ang may gustong magkaroon ng kakaibang anak, isang bakla na akala nila'y salot sa lipunan.
----
Dahil nga pinagtakpan namin ang tunay naming katauhan, di ko akalain na si Pamela, klasmeyt ko yun, maganda at matalino, ay tayp pala ako. Biruin mo kinekwento niya sa mga klasmeyt namin "Grabe talaga, ang gwapo gwapo ni Kiko, pagnakikita ko siya nahuhulog yung puso ko sa lupa, pagnaririnig ko yung boses niya para kong lumulutang sa ulap, lalo pagka ngingitian niya ako, para akong hihimatayin sa kilig!" Grabe talaga si Pamela, kung alam lang niya, di kami talo! nakakadiring isiping magkakagusto ako sa kanya, sabi ko pa sa mga amiga ko "over my dead beautiful, gorgeous body!"

Lumipas ang mga taon, walang nagbago ganito pa rin ako, kami, baklang bakla pa rin, sa linguahe ng iba, pero di ko akalaing merong isang pangyayare na nagpabago sa akin.

Highschool na kami noon, bakla pa rin kaming apt na magkakaibigan. Akala ko magbabago na ang nararamdaman ni Pamela sa akin pero hindi, mas minahal pa niya ako.

Tanda ko pa ang ka-kilakilabot na ginawa ko noon, nilapitan ko siya nasa library siya noon lunch break kasi kakausapin ko sana siya na kalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin, "Ela, gusto mo ba talaga ako?" tanong ko sa kanya, nung una di siya agad sumagot nakatititg lang siya sa akin, kung makatitig nga akala ko tutunawin na niya ako. Magkalapit na magkalapit ang mga mukah namin ng mga oras na yun para bang kami lang dalawa ang nasa loob ng library, wala si Ma'm Lily na ubod ng sunget na kahit pag-ubo ay naririnig niya, wala rin ang bookworm na si Gilbert na kulang na lang sa loob ng library na tumira, ang magsyotang si Trina at Ferdie na nakakasuka na sa sobrang ka-sweetan.

Balik na nga tayo dun sa kinekwento ko, magkalapit na magkalapit ang mga mukah namin ng mga oras na yun para bang kami lang dalawa ang nasa loob ng library. Dahil sa sobrang dikit ng mga mukah namin, di ko maintindihan pero di ko maiwasang titigan ang mga bilugan niyang mata, ang hugis ng mukah niyang parang mamon, ang tangos ng ilong niya, ang buhok niyang sing itim ng crayons at sing pula ng mansanas sa tindahan ng titser naming si Ma'm An. Biglang tumunog ang bell at tauhan ako.

Lumabas na kami ng library at nilapitan ako ng mga kaibigan lutang pa rin ang utak ko "Ki, mukang tinamaanka na ng bruhang yun uh?" sabi ni Dan sa akin. "Ano? Nasabi mo bang we're sisters?!" sabi naman ni Carlo. Di ko alam kung bakit di ko naririrnig ang mga sinasabi nila ng mga oras na yun. "Sisters! Mukang naging lalaki na si Kiko!" sabi naman ni Paulo.

Naglalakad na ako noon pauwi bitbit ang sandamakmak na libro na kailangan kong basahin para sa exams ng di ko sinasadyang magkasabay kami ni Pamela na katulad ko may dala ring sandamakmak na libro para pagaralan din, di ko alam kung inantay niya talaga ako o nagkataon lang talaga. "Kiko!" sigaw ni Pamela sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi sabayan na siya pauwi.

Tahimik kaming naglalakad sa tabi ng Baywalk, tunog lang ng busina ng sasakyan ang ingay na naririnig ko. Di ko alam kung dapat ko siyang kausapin ng bigla siyang magsalita "Kiko, ayaw mo ba sa akin?" di ako nakasagot sa tanong niya, "Ayos lang naman kung ayaw mo sa akin, di naman kita pipilitin." dagdag pa niya. "Di naman sa ayaw ko sa iyo, maganda ka, matalino, mabait, wala ng nga sigurong mahihiling pa ang kahit sinong lalaking magugustuhan mo, kaya lang..." di ko masabi sa kanya ang totoo. Di siya sumagot at ngumiti lang siya sa akin. Patuloy kaming naglakad at dinala niya ko sa isang kakaibang lugar, matagal na ko sa Maynila pero noon ko lang nakita yon.

 Tinuro niya sa akin ang isang malaking pader na puno ng sulat. "Diyan ko sinusulat lahat ng gusto kong sabihin sayo Kiko, yung mga maliliit na bagay na ginagawa mo para sa akin na di mo alam napapasaya na ko ng lubos eh nilalagay ko dito." Sabi niya sa akin. Di ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya, ng mga oras na yun ramdam ko kung gaano niya ko kamahal, isang pagmamahal na di ko alam kung kaya kong tumbasan. Di ako nagsalita at tinignan ko lang lahat ng nakasulat sa malaking pader habang siya naman nakaupo sa tabi ko, tahimik at walang kibo pero nakangiti. Di ko naiwasang tignan siya, "lalaki na nga ata ako" bulong ko sa isip ko.

Hinatid ko siya pauwi sa bahay nila na dalawang bahay lang pala ang pagitan mula sa bahay namin. "Salamat Kiko!" sabi niya sa akin, "Sige, bukas ulit, saby na tayo pumasok, ayos lang ba?" na sa di ko malamang dahilan ay nasabi ko sa kanya.

Araw-araw ganon na ang palagi kong ginagawa, sabay kaming papasok sa eskwela, sabay rin kaming uuwi galing eskwela, kung minsan kakain pa kami ng kwek-kwek sa kanto, pag wala namang pasok pumunta ako sa bahay nila at sabay kaming nag-aaral. Napadalas ang pagsasama naming dalawa kaya kinausap ako ng mga kaibigan ko. "Kiko? Gusto mo na siya no?" tanong nila sa akin, di ako sumagot sa takot na baka magalit sila sa akin dahil alam ko sa sarili kong di ko lang gusto si Pamela, mahal ko na siya, mahal na. "Ayos lang naman Kiko, magkakaibigan pa rin naman tayo kahit anong mangyari?" sabi pa nila. Kaya umamin na ako, at laking tuwa ko na sila rin pala, nagconvert na, bumalik na ulit sa pagiging lalaki. Kaya masayang masaya akong umuwi ng bahay.

Kinabukasan, ganoon pa rin, sabay kami ni Pamela kaya lang may iba, di siya naka-ngiti, walang kibo kaya nagtaka ako kung bakit. Di siya sumagot hanggang sa makarating kami don sa paborito naming lugar, sa may malaking pader. Akala ko pagdating naming doon, sasabihin na niya sa akin kung naong problema, kung meron ga, pero di siya kumibo imbis, kumuha siya ng pentel pen sa bag niya at sumulat sa pader "Kilala ba talaga kita Kiko?" sinulat niya. Naramdaman ko na kung anong gusto niyang ipahiwatig sa akin, nalaman na siguro niya ang nakaraan ko. "Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya at sumagot siya "Totoo ba Kiko?" tanong niya habang namumuo ang mga luha sa mata niya habang sinasabi "Bakit di mo sinasabi sa akin?" "Nabawasan ba ang pagmamahal mo  sa akin? Nakaraan ko na yun, di na mahalaga yun, di na mahalaga yun, ang mahalaga ang ngayon, ikaw at ako, tayo." sagot ko sa kanya. "Sorry Kiko, tanggap ko kahit ano pang nakaraan mo, kahit ano ka pa dati, di na yun importante, ikaw at ako, tayo lang" pinunasan ko ang luha sa magaganda niyang mata "Wag ka ng mag-alala, mahal na mahal kita, mahal na mahal". Habang palubog na ang araw, sabay kaming naglalakad magkahawak ang kamay.
   ----
Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay naming araw, ang araw ng pagtatapos. Malungkot at masaya ang pakiramdam, masaya kasi tapos na lahat ng paghihirap pero malungkot dahil bukod sa magkakahiwahiwalay na kami di ko pa alam kung makakapgkolehiyo ako.

Umaga palang umuusok na ang bahay namin dahil sa dami ng niluluto ni nanay, nagluto ng pancit na wala namang sahog kundi gulay at bilang na bialng na karne at atay, ang mga ate ko naman abalang abala sa pagunat ng buhok nilang naninigas na sa sobrang init ng plantsang hiniram nila sa parlor sa kanto. Pagbangon ko, bigla kong naisip "Oo nga tapos na ang highschool pero paano na ako sa kolehiyo?" bulong ko sa isip ko. Napansin ni nanay na di ako mapakali at malalim ang iniisip kaya nilapitan niya ako at kinausap "Kiko anak, anong problema? Wag kang mag-alala anak iraraos kita sa kolehiyo, proud na proud kami sayo" tuwang tuwa ako ng marinig ko kay nanay yun. Naiyak ako sa sobrang tuwa, kahit papano napaligaya ko si nanay kahit sinaktan siya ng tatay ko.
----
Ang pinakahihintay ng lahat, graduation na, napakaraming tao sa plaza bitbit ang mga toga at ang mga humahalimuyak na sampaguita, kanya kanyang kislap ng mga camera at di magkamayaw sa pagtawag ng mga kaibigan para magpiktyur-piktyur.

Pinagmasdan ko ang lahat, ang mga kaklase kong di mo akalaing gagraduate kahit mga bulakbol at sira ulo, ang mga kaklase kong wala namang ginawa kundi isubsob ang sarili sa libro, ang mga kaklase kong ginawang parke ang loob ng classroom.

Si Paul na takot na takot pang pumasok sa eskwela sa pag-iisip na palaging nakabantay sa kanya ang tatay niyang si Kapitan ngayon ni hindi na mapigilan ng tatay niya, si Dan naman na dati'y ayaw pang bumitaw sa saya ni Aling Etang at walang ginawa sa klase kundi umiyak eh ngayon mamang mama na at si Carlo na ayaw mag-aral dahil sa hiya sa ginawang kasalanan ng tatay niya na ngayon ay buong galak nang ipinagmamalaki sa lahat ang tatay niya. Si Ma'm Lily na sa unang pagkakataon ay hindi nakakunot ang noo at nakangiti sa aming lahat na magsisipagtapos, si Gilbert naman ayun bookworm pa rin at ang magsyotang Trina at Ferdie nakakasuka pa rin ang ka-sweetan.

Ako ang naging class valedictorian namin at si Pamela ang salutatorian, tuwang tua ang lahat ng mga magulang dahil sa wakas naka-graduate na kaming lahat, ang mga dati'y walang patutunguhan nagyon naka-toga na at hawak ang diploma, ang katas ng paghihirap. 

Totoo nga, hindi lahat ng magandang kwento sa simula pa lamang ay maganda na. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang kwento kong ito, ni wala akong maibigay na aral sa pagtapos ko ng kwentong ito. Nabuo lang kasi ang kwentong to' dahil trip kong magkwento, bakit ba, kanya kanyang trip lang yan, walang basagan ng trip.