para kaming switch, minsan on-- maladas off. :|
dahil pause muna sa school works, pwede bang problemahin ko naman ang lovelife ko.
hindi ko alam, bago pa naman mag start ang semester eh magulo na ang lahat.
walang kami, meron lang siya at ako.
malinaw naman yun, pero minsan magulo.
malinaw kapag wala na talaga akong communication sa kanya.
-- buti na lang busy ako, wala akong time maginternet at wala akong panahong magload at magtext.
malabo kapag bigla bigla siyang nagpaparamdam sa akin.
-- kung kailan busy ako, stressed, depressed at kailangan ng lalambing, bigla bigla siyang magpaparamdam, kakamustahin ako at makikipagkwentuhan.
ba't ganon? pwede bang wag naman magulo?
parang ang stressful na nga ng buhay ko sa school, baka pwedeng wag naman pati lovelife ko, haha.
ewan ko kung ba't ganon. alam ko namang hindi niya sadyang maguluhan ako, pero unconsciously naguguluhan ako sa kanya.
yung tipong hindi ko na siya naiisip, tapos bigla siyang magtetext at kakamustahin ako.
yung tipong wala na akong alam sa kanya tapos bigla akong magkakaroon ng alam sa kanya.
yung tipong ayokong isiping para sa akin yun, pero ako talaga eh.
in three days, i'm turning twenty na.
i'm officially a teen-no-more.
but you see, i realized, i haven't experienced that one thing, to be in a relationship.
dati, wala lang talaga sa akin. I mean, hindi talaga siya big deal.
pero nakakapressure ang mga tao sa paligid ko, yung feeling na gustong gusto na rin nilang maexperience ko yun.
feeling ko tuloy, gusto ko na rin talaga, or baka gusto ko na talaga.
ang tanong, ready na ako, pero wala pa naman. :))
well maybe, ako ang tutuloy sa legacy ng mga lola at tita ko, haha.
well maybe, it's not yet my time, who knows when will be the right time.
'ikaw na lang naman ang hinihintay ko, ikaw na lang.
No comments:
Post a Comment