Sunday, September 25, 2011

THIS IS WHAT I CALL-- KILIG

Oh well, since 1st year kami, crush ko na talaga si Royd. 
Bakit ba, tall, dark and handsome and type ko eh.
Sobrang bait pa.
Oh well, nakakatunaw lang talaga ng puso. <3 <3

I LOVE YOU ROYD!! <3 <3 <3

Sunday, September 18, 2011

ouch-- that hurts.

Never assume that someone likes you by their sweetness. 
Sometimes, you're just an option when they're bored.

Sunday, September 11, 2011

DEPRESSED, STRESSED -- BROAD JOURN

here it goes.
this blog is a result of depression and stress from broad journ class.

ewan ko, nakakadepress lang kasi GUSTO ko 'tong subject na 'to eh.
EXCITED ako ng sobra eh. GUSTONG GUSTO ko eh.

yung unang news cast namin, kaka-alam pa lang naming mag-edit nun eh. Oks naman, di naman masama yung grade, mataas nga para sa first timer eh. Konti lang naman yun comments, minor lang kung tutuusin.

Kaya akala ko, oks naman. Yung second quiz, Oo aminado ako, ang panget ng pagka edit ko, pero di ko inexpect na ganon kababa. Wala tuloy akong magawa kundi ma-depress at makaramdam ng kakaibang depression.

Ewan ko, di naman kasi kami professional pagdating sa ganitong bagay. Tatlong taon din kaming sinanay para magsulat ng magsulat ng magsulat tapos bigla kaming gagawa ng editing at ilalabas ang mukha sa screen.

Okay lang naman sa akin yun, kaso ang hirap I-MEET YUNG EXPECTATION NG PROFESSOR MO EH.

Kaya nadidisappoint ako sa sarili ko. Yung feeling na binigay mo at ng grupo mo ang effort pero wala, KULANG PA RIN. HINDI PA RIN SAPAT, AT MUKANG KAHIT ANONG MANYARE DI SASAPAT.

Gustong gusto ko pa naman sa broadcast, pero ngayon, parang hindi din ako para dun. Nakakadepress lang talaga. Yung tipong dun na nauubos ang oras at pagod mo pero wala pa rin. 

Grabe lang tong nadadama kong depression at stress. Nakakasakit ng puso (literal).
Parang kahit anong gawin ko, wala, wala talaga. Kahit isipin kong magiging positive na ako at may next time pa, pero hindi eh. 

NAKAKAPANLUMO LANG.
T.T


----------------

latest, ang pinaghirapan naming final news cast.
ayun, katulad pa rin ng mga nakaraan, nakakapanghina ang grade.


dapat 89 kami pero dahil lagpas daw ang oras, minus 9 points kaya 80 na lang.
nakakapanghina di ba? 9 points para sa 4 na minutong sobra.

minsan hindi ko na talaga alam kung anong kulang eh, kung anong mali, kung anong makakasatisfy ng gusto niya.
ewan ko ba, ang hirap hirap lang.
pagod, puyat, oras, lahat na ata naibigay ko na sa subject niya para lang masatisfy ang expectation niya.


alam mo yung salitang EFFORT, lahat yun binigay namin, sagad sagad na effort para lang sa finals na 'to.
alam mo yung salitang ORAS, lahat ng oras binigay na lang sa subject na 'to, lahat na lang, wala ng oras sa sarili o kahit sa ibang bagay.

alam mo yung salitang CONSIDERATION, mukang hindi, kasi kung alam mo yun, kahit konti, kahit konting konti lang, bibigyan mo kami nun. Kahit konting konti lang, hindi naman ako grade conscious eh, gusto ko lang, sapat ng grado para sa effort na binigay ko, PAMAWI MAN LANG NG PAGOD.


pero wala eh, ganon talaga, wala naman akong magagawa kundi i-express na lang ang nararamdaman ko sa blog ko eh.
ang hirap i-boost ang spirit ng groupmates ko, kasi alam ko depressing talaga kaso kung lahat kami panghihinaan ng loob, lalong walang mangyayari sa amin, mattrap kami sa situation na ayaw namin, kaya eto ako, kahit depressed din eh kailangang ngumiti pa rin para naman mahawa sila sa akin.


hindi man mataas ang grade namin, hindi naman sa grade nasusukat ang isang tao eh, minsan sapat na yung experience at lessons.
pero di mo maiaalis, graduating kasi kami.